KARAGDAGANG IMPORMASYON
- Pagpaparehistro ng Botante: Ang huling araw (deadline) ng pagpaparehistro para bumoto sa Hunyo 27 ay sa Hunyo 17. Maaari kayong magparehistro upang bumoto gamit ang inyong TurboVote na pahina, dito (Ingles lamang). Pinapahintulutan kayo nitong magparehistro sa online o sa pamamagitan ng koreo. Kung pipiliin niyong magparehistro sa pamamagitan ng koreo, ipapadala sa inyo ng TurboVote ang inyong form sa pagpaparehistro na may kasamang selyo na maaaring niyong ipadala sa inyong lokal na tanggapan ng Lupon ng mga Eleksyon.
- Maaari niyo ring i-download at iprinta ang isang form ng pagpaparehistro ng botante sa Tagalog dito.
- Ang form na ito ay dapat kumpletuhin sa Ingles.
- Maaari itong ipadala o ihatid sa inyong lokal na tanggapan ng Lupon ng mga Eleksyon.
- Absentee na Pagboto (Pagboto sa pamamagitan ng Koreo): Ang huling araw (deadline) para humiling ng isang absentee na balota (absentee ballot) para sa Hunyo 27 na eleksyon ay sa Hunyo 12, subalit, aming inirerekomenda na inyong hilingin ang inyong absentee na balota sa lalong madaling panahon. Upang humiling ng isang absentee na balota, maaari niyong gamitin ang inyong TurboVote na pahina, dito. Sa paraang ito, ang pabalik na selyo (return postage) ay isasama na kapag natanggap niyo na ang inyong balota. Paunawa: dahil sa mga kamakailang pagbabago, dapat lamang kayong humiling ng isang absentee na balota kapag sigurado na kayong boboto sa pamamagitan ng koreo.
- Saradong mga Primary: Sarado na ang primary election ng New York – nangangahulugan ito na kayo ay maaari lamang bumoto sa mga eleksyong ito kung kayo ay nagparehistro sa isang politikal na partido. Ang mga politikal na partido ay nakalista sa mismong form ng pagpaparehistro at ang huling araw upang i-update ang inyong politikal na kinaaniban ay lumipas na (Pebrero 14). Upang makita ang inyong politikal na kinaaniban, mag-click dito. Upang ma-update ang inyong kinaaniban para sa susunod na mga eleksyon, kailangan niyong magsumite ng isang na-update na form ng pagpaparehistro ng botante.
- Ranked Choice Voting: Ang pangunahing eleksyon ngayong taon ay gagamit ng Ranked Choice Voting. Nagbibigay-daan ito sa mga botante na rangguhan ang mga kandidato ayon sa pagkagusto: una, ikalawa, ikatlo, at iba pa. Mangyaring panoorin ang aming video sa Ranked Choice Voting dito (Tagalog) para sa mas detalyadong buod ng proseso.
- Lupon ng mga Eleksyon: Maaari niyong mahanap ang lokasyon at impormasyon ng kontak para sa inyong lokal na tanggapan ng Lupon ng mga Eleksyon dito. Maaari niyong isumite ang inyong naka-printa na form ng pagpaparehistro ng botante sa inyong lokal na tanggapan nang personal man o sa pamamagitan ng koreo.
- Lugar ng Botohan: Mag-click dito upang mahanap ng inyong lokasyon sa pagboto para sa parehong maagang pagboto at Araw ng Eleksyon.
- Kalagayan ng Pagpaparehistro: Mag-click dito upang kumpirmahin ang inyong kalagayan sa pagpaparehistro ng botante.